Proseso ng screening sa pagpapatupad ng GCTA inusisa sa pagdinig ng Kamara
Tinanong ng mga kongresista sa organizational meeting ng House Justice Committee kung paanong sinasala ng Bureau of Corrections (BuCor) ang magandang asal ng mga bilanggo sa ilalim ng implementasyon ng Good Conduct Time Allowance o GCTA.
Partikular na inalam ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin kung paanong binabantayan ang mga preso na nag-aavail ng GCTA.
Ipinaliwanag naman ni Atty. Melencio Faustino, Superintendent ng Davao Penal Farm na meron silang reformation officers na humahawak ng daily attendance.
Ito anya ang nagrerekomenda ng suspensyon ng GCTA kapag mayroong paglabag ang person deprived of liberty (PDL).
Ayon kay Faustino, meron ding assignment card ang PDL kung saan makikita ang lahat ng violations.
Gayunman, lumalabas na isang buwan lang na sinuspinde ang GCTA kapag merong violation sa prison rules and regulations at hindi otomatikong nadi-disqualify ang aplikante.
Dahil dito, iginiit ni Garbin na kailangang amyendahan ang batas o ang implementing rules and regulations para higpitan ang screening ng participants sa GCTA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.