Pagdakip muli sa mga bilanggo na napalaya dahil sa GCTA law, pag-aaralan ng DOJ

By Ricky Brozas September 03, 2019 - 10:49 AM

Pag-aaralan ng Department of Justice (DoJ) ang mungkahi ng Malakanyang na muling arestuhin ang preso na napalaya dahil sa GCTA o Good Conduct Time Allowance law.

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, na kabilang iyon sa ikinukonsidera ng kagawaran na isalang sa review angguidelines at Implementing Rules and Regulations ng R.A. 10592.

Ibinase ng Malakanyang ang rekomendasyon matapos bigyang halimbawa ni Sen. Franklin Drilon ang People vs. Tan, kung saan iniutos ng Supreme Court (SC) ang muling pag-aresto sa isang inmate na napalaya ng mali ng jail warden base sa GCTA.

Naniniwala ang Malakanyang na maaring gamitin itong legal basis para maarestong muli ang mga PDL’s o Persons Deprived of Liberty na nakalaya na.

TAGS: DOJ, GCTA, Justice Sec. Menardo Guevarra, People vs. Tan, Sen. Franklin Drilon, Supreme Court, DOJ, GCTA, Justice Sec. Menardo Guevarra, People vs. Tan, Sen. Franklin Drilon, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.