Ayon kay Rev. Father Jerome Secillano – Executive Secretary ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs, hindi ang batas na Republic Act (RA) 10592 o ang conditional expanded Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang problema sa kontrobersyal na pagpapalaya sa mga bilanggo sa halip ay ang mga opisyal na naatasang ipatupad ito.
Isa aniyang uri ng katiwalian na palayain ang isang bilanggo na hindi ayon sa batas at kailangang papanagutin kung sino man ang may gawa nito.
Dapat din aniyang patunayan ng gobyerno ang pagpanig sa tama at at pagiging makatwiran.
Ang Republic Act (RA) 10592 o ang conditional expanded Good Conduct Time Allowance (GCTA) ay naglalayong mapalaya ang mga bilanggo na nakapagpakita ng good behavior sa loob ng bilangguan.
Sa tala ng Bureau of Corrections (BuCor) mula nang maisabatas ang GCTA noong 2013 ay umabot na sa 22,049 ang mga bilanggong napalaya, 1,914 sa mga pinalaya ay nakagawa ng heinous crimes na hindi saklaw ng batas.