Socorro, Surigao Del Norte niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 11 kilometers Northwest ng bayan ng Socorro, alas-6:53 umaga ng Martes (September 3).

May lalim na 77 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Naitala ang pagyanig alas-6:53 ng umaga ng Martes, Sept. 3.

Read more...