Babaeng nagsumbong sa mapang-abusong driver pinarangalan ng LTO

By Dona Dominguez-Cargullo September 03, 2019 - 06:34 AM

Binigyang parangal ng Land Transportation Office – National Capital Region ang isang babaeng pasahero na nagsumbong matapos na muntikan nang maabuso ng mapagsamantalang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver.

Ginawaran ng Certificate of Appreciation ng LTO-NCR ang pasahero at complainant na si Gillian Cortez.

Matatandaang nag-viral ang Twitter post ni Cortez matapos niyang ireklamo ang Grab driver na si Anselmo Benigno.

Ani Cortez, nahuli niyang inaangat ni Benigno ang kanyang palda nang magising mula sa pagkakaidlip sa biyahe dahil sa masamang pakiramdam noong ika-31 ng Hulyo.

Sinabi ni Cortez na hindi ito ang unang beses na nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa mga driver ng pampublikong sasakyan.

Sa kabila ng show cause order, hindi humarap sa mga pagdinig ng LTO-NCR si Benigno.

Batay sa imbestigasyon, lumalabas na inabuso niya ang kanyang tungkulin bilang isang TNVS driver.

Dahil dito, kinansela na ang driver’s license ni Benigno.

Isinumite na rin ng LTO-NCR ang case records laban sa naturang driver sa Philippine National Police (PNP) para mabigyan ng karampatang aksyon.

Nagpasalamat naman si Cortez sa LTO-NCR para sa mabilis na pagresolba sa kanyang reklamo at agarang pagkamit ng hustisya laban sa mapang-abusong driver.

TAGS: Grab, lto, lto ncr, Radyo Inquirer, TNVS, Grab, lto, lto ncr, Radyo Inquirer, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.