Lima patay sa Bahamas dahil sa Hurricane Dorian
Kinumpirma ni Bahamas Prime Minister Hubert Minnis na lima na ang nasawi sa kanilang lugar dahil sa aghagupit ng Hurricane Dorian.
Ang limang nasawi ay mula sa Abaco Islands matapos ang pagtama doon ng Hurricane Dorian na ngayon ay nasa Category 4 storm.
Ayon kay Minnis marami pang ibang residente ang nangangailangan ng tulong sa Great Bahama island.
Kailangan umanong maging maganda muna ang panahon para makaresponde ang rescue crews.
Marami na ring bahay at mga gusali ang nawasak ng bagyo.
Ang Hurricane Dorian ay may lakas ng hanging aabot sa 233 kilometers bawat oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.