‘Pagpapasagasa ng pangulo’, salita lamang, di dapat tanggaping literal

By Isa Avendaño-Umali January 03, 2016 - 04:16 PM

DOTC Sec. Jun Abaya
DOTC Sec. Jun Abaya

Nilinaw ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya na ‘expression of eagerness’ lamang naunang pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino na magpapasagasa siya sa tren ng Light Rail Transit o LRT kapag hindi naisakatuparan ang Cavite Extension project sa 2015.

Dahil dito, umapela si Abaya sa publiko na huwag gawing ‘literal’ ang pahayag ni Pnoy.

Ayon sa kalihim, gusto naman talaga ng presidente na maituloy at matapos ang naturang proyekto.

Sa pagkakaalala ni Abaya, nasa gitna ang pamahalaan ng PPP o public-private partnership procurement noong sabihin ni Pangulong Aquino ang kontrobersyal na statement.

Gayunman, sinabi ni Abaya na nagkaroon ng dalawang bigong bidding na hindi naman daw sinadya ni Pnoy.

Matatandaang bago ang 2013 midterm elections, sinabi ni Pangulong Aquino na siya at si Secretary Abaya ay magpasagasa siguro sa tren kapag hindi nag-materialize ang LRT-1 extension sa 2015.

 

TAGS: DOTC Secretary Jun Abaya, LRT, President Noynoy Aquino, DOTC Secretary Jun Abaya, LRT, President Noynoy Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.