Number Coding epektibo pa rin ngayong araw – MMDA

By Dona Dominguez-Cargullo September 03, 2019 - 05:51 AM

Epektibo pa rin ang pag-iral ng number coding ngayong araw ng Martes, Sept. 3.

Tugon ito ng MMDA sa maraming nagtatanong sa kanilang Twitter at Facebook kung mayroon bang number coding ngayong araw.

Inulan ng tanong ang MMDA hinggil sa pag-iral ng number coding sa araw na ito matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Sept. 3 bilang special working holiday.

Ito ay bilang paggunita sa pagsuko ni Japanese General Tomoyuki Yamashita noon at kaniyang mga sundalo sa taong 1945 na naging hudyat sa pagtatapos ng World War II.

Samantala, sinabi naman ng National Wages and Productivity Commission na kapag special working holiday ay walang additional pay o dagdag na sweldo ang mga empleyadong papasok sa trabaho.

TAGS: Metro Manila, number coding, pay rules, September 3, special working holiday, Metro Manila, number coding, pay rules, September 3, special working holiday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.