Bagyong Liwayway lumakas, signal number 1 nakataas pa rin sa Batanes

Lalo pang lumakas ang bagyong Liwayway na huling namataan ng PAGASA sa layong 255 kilometers East of Calayan, Cagayan

Taglay na ng tropical storm Liwayway ang lakas ng ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong
North Northwest.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes.

Ngayong umaga hanggang bukas ng umaga ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang Apayao, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, at ang Batanes.

Ang Southwest Monsoon o Habagat naman ang maghahatid ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Panay Island, Guimaras, at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region.

Ang mga residente sa nasabing mga lugar ay pinag-iingat sa posibleng pagbaha at landslides.

Hindi pa rin inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo at inaasahang lalabas ito ng bansa sa pagitan ng Miyerkules ng gabi hanggang Huwebes ng umaga.

Inaasahan namang lalakas pa at magiging isang severe tropical storm sa susunod na 24 na oras.

Read more...