Rider arestado sa droga sa QC

File photo

Sinita lamang dahil sa walang ilaw na motorsiklo pero tuluyan nang inaresto ang isang rider dahil sa droga sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Arestado ang driver ng motorsiklo sa checkpoint matapos itong makuhanan ng shabu.

Inamin ng suspek na maghahatid siya ng droga sa Montalban, Rizal at nasa P1,500 ang kita niya sa operasyon.

Ayon sa pulisya, hinarang ang 28 anyos na rider dahil walang side mirror ang motorsiklo nito.

Pero sa checkpoint ay bigo ang suspek na magpakita ng mga dokumento ng kanyang motorskilo.

Kabilang na ang official receipt, driver’s license at ang certificate of registration.

Kalaunan ay nakita sa compartment ng motorsiklo ang 20 gramo ng shabu.

 

Read more...