4 arestado sa buy bust sa Makati

Arestado ang apat na drug suspects sa buy bust operation sa Makati City.

Kabilang ang isang retiradong pulis sa 2 lalaki at 2 babae na hinuli sa operasyon sa West Rembo.

Ayon sa pulisya, isang poseur-buyer ang bumili ng droga sa target na isang alyas Jaypee sa 20th Avenue.

Sa bentahan ng droga ay inaresto ang mga suspek na nakuhanan ng 27 sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P8,000 at samu’t saring drug paraphernalia.

Nakakatas naman ang target na si Jaypee na ngayon ay tinutugis na ng mga otoridad.

 

Read more...