Dahil dito ay maaaring imbitahan ng PACC si Sen. Bato na dating pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).
Paglilinaw ni PACC Commissioner Greco Belgica, hindi masama na pagpaliwanagin nila ang senador dahil hindi naman ito nangangahulugan na may ginawa ng mali o guilty sa iregularidad ang isang respondent.
Target ng PACC na malaman kung paano ipinatupad ang batas at sino ang mga taong nagpatupad nito.
Sa pagdinig sa Senado ay sinabi ni Dela Rosa na 120 convicts ng heinous crimes ang napalaya noong siya ang BuCor chief.
Una rito ay nabalita na 384 inmates na guilty sa mga karumal-dumal na krimen ang napalaya sa ilalim ng panunungukulan ni Dela Rosa sa BuCor.