Sen. Bato posibleng imbitahan ng PACC sa imbestigasyon sa GCTA

By Len Montaño September 03, 2019 - 04:12 AM

Nais ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na magbigay linaw si Senator Ronald dela Rosa ukol sa kontrobersyal na good conduct time allowance (GCTA).

Dahil dito ay maaaring imbitahan ng PACC si Sen. Bato na dating pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).

Paglilinaw ni PACC Commissioner Greco Belgica, hindi masama na pagpaliwanagin nila ang senador dahil hindi naman ito nangangahulugan na may ginawa ng mali o guilty sa iregularidad ang isang respondent.

Target ng PACC na malaman kung paano ipinatupad ang batas at sino ang mga taong nagpatupad nito.

Sa pagdinig sa Senado ay sinabi ni Dela Rosa na 120 convicts ng heinous crimes ang napalaya noong siya ang BuCor chief.

Una rito ay nabalita na 384 inmates na guilty sa mga karumal-dumal na krimen ang napalaya sa ilalim ng panunungukulan ni Dela Rosa sa BuCor.

 

TAGS: convicts, GCTA, heinous crime, imbitahan, pacc, PACC commissioner Greco Belgica, Ronald dela Rosa, convicts, GCTA, heinous crime, imbitahan, pacc, PACC commissioner Greco Belgica, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.