2 patay sa buy bust sa Bohol; P6.8M halaga ng shabu nakumpiska

By Len Montaño September 03, 2019 - 02:44 AM

Bohol Provincial Police Office photo

Patay ang dalawang suspek sa buy bust operation sa Bohol kung saan narekober ang P6.8 milyong halaga ng shabu.

Kinilala ang pulisya ang mga nasawi na sina Quiño at Isagani Cañete na nanlaban umano nang malamang pulis ang kanilang katransaksyon.

Binaril ng isa sa dalawang suspek ang undercover agent, dahilan ng pagganti ng otoridad at nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Nakumpiska sa dalawa ang pake-pakete ng mga shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, perang ginamit sa operasyon, dalawang baril at ammunition.

Arestado naman sa operasyon  sina Ericson Redulla, Victor Quiño, Joseph Cañete at Arnel Lauron na naaktuhan sa pot session sa bahay ng isa sa napatay na suspek.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsamang mga elemento ng Regional Special Operations Group sa Central Visayas, Bohol Provincial Police Office, Provincial Intelligence Branch, Clarin Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nabatid na sina Quiño at Cañete ay high value target at kumukuha ang mga ito ng supply mula sa Cebu.

 

 

TAGS: 2 patay, Bohol, buy bust, nanlaban, P6.8 milyong halaga, pot session, 2 patay, Bohol, buy bust, nanlaban, P6.8 milyong halaga, pot session

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.