Mayor Vico Sotto: Gastos sa mga proyekto sa Pasig bababa ng 10%

By Len Montaño September 03, 2019 - 01:35 AM

Target ni Pasig Mayor Vico Sotto na mabawasan ng 10 porsyento ang halaga ng lahat ng mga proyekto sa lungsod.

Sa kanyang Facebook post araw ng Lunes ay tiniyak ni Sotto na sa ilalim ng kanyang termino, bababa ng 10% ang halaga ng lahat ng government contracts sa Pasig.

Inisa-isa ng alkalde ang mga paraan para ito at mangyari.

Una ang pagbubukas ng bidding sa lahat, sunod ang pagkakaroon ng independent monitoring team at ng technical working group na binubuo ng mag eksperto.

Higit sa lahat ay iginiit ni Sotto na hindi siya tatanggap ng kickback.

Ayon pa kay Sotto, ang matitipid na pondo ng lokal na pamahalaan sa mas mababang halaga ng gamit at serbisyo ay ibabalik nila sa taumbayana sa pamamagitan ng dagdag na mga gamot at scholarships.

 

TAGS: 10 percent, bababa, dagdag gamot, gastos, Mayor Vico Sotto, proyekto, scholarships, 10 percent, bababa, dagdag gamot, gastos, Mayor Vico Sotto, proyekto, scholarships

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.