Pang. Duterte iimbestigahan din ang GCTA Law ayon kay Sen. Go

Magsasagawa si Pangulong Rodrigo Duterte ng sariling imbestigasyon sa posibleng kurapsyon kaugnay ng batas sa good conduct.

Ayon kay Senator Bong Go, sinabi sa kanya ng pangulo na iimbestigahan niya ang iregularidad sa ibinigay na good conduct time allowance (GCTA) sa mga convicts kabilang si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Tiniyak ni Go na mayroong mananagot sa kontrobersya.

“And sabi ni Pangulong Duterte papaimbestigahan niya po ito. Definitely heads will roll,” pahayag ng senador matapos ang pagdinig ng Senado sa Republic Act 10592 araw ng Lunes.

Dagdag ni Go, nais nilang malaman kung mayroon ba talagang katiwalian sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor) gayundin ang tinatawag na “GCTA for sale” sa ahensya.

Matatandaan na nahatulan si Sanchez ng pitong life imprisonment dahil sa paggahasa at pagpatay kay Eileen Sarmenta at pagpatay sa kasama nitong si Allan Gomez noong 1993t: Tiniyak ni Go na mayroong mananagot sa kontrobersya.

Read more...