15 anyos huli sa P9.5M halaga ng shabu sa buy bust sa Cebu City
Arestado ang isang 15 anyos na lalaki matapos itong makuhanan ng P9.5 million na halaga ng shabu sa buy bust operation sa bahay nito sa Sitio Mahayahay 2 sa Barangay Calamba, Cebu City.
Ayon kay Police Corporal Emmanuel Martinez ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng San Nicholas Police Station, dahil menor de edad ay itinago ang suspek sa pangalang alyas Mark.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) sa Central Visayas, kahit bata pa ay ikinukunsidera na si Mark na high value target sa Central Visayas.
Nakuha sa binatilyo ang 1.4 kilos ng hinihinalang shabu matapos itong magbenta ng droga sa isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ayon sa pulisya, dalawang linggo nilang inalagay si Mark sa surveillance.
Bago ito maaresto ay nasa average na 200 hanggang 500 gramo ng shabu ang ibinebenta ni Mark.
Iniimbestigahan ng pulisya ang posibilidad na kabilang ang suspek sa illegal drugs group na nag-ooperate sa Cebu City at buong lalawigan.
Itinurn-over si Mark sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kaukulang counselling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.