Gilas tanggal na sa 2nd round ng FIBA World Cup matapos matalo sa Serbia

By Len Montaño September 02, 2019 - 10:41 PM

FIBA photo

Sa kabila ng mas magadang laro kumpara sa unang laban, tanggal na ang Gilas Pilipinas sa second round ng 2019 FIBA World Cup matapos talunin ng Serbia sa score na 126-67 sa China Lunes ng gabi.

Dahil sa ikalawang sunod na talo kasunod ng unang laro kontra Italy, bigo ang Gilas na makakuha ng slot para sa ikalawang round ng FIBA World Cup.

Naging malakas ang umpisa ng Pilipinas sa mga ipinakita nina CJ Perez at Robert Bolick.

Pero tuluyang nang yumuko ang Gilas sa Serbia na pinangunahan ni NBA superstar Nikola Jokic.

Pareho nang nanguna ang Italy at Serbia sa Group D ng naturang tournament.

Habang ang Pilipinas at Angola na parehong walang panalo ay maglalaban pa rin sa Miyerkules.

Mapupunta ang Pilipinas sa classification phase ng FIBA World Cup para sa huling 16 teams.

 

 

 

 

TAGS: 2019 Fiba World Cup, Angola, China, Gilas Pilipinas, Group D, italy, Nikola Jokic, Serbia, tanggal na, 2019 Fiba World Cup, Angola, China, Gilas Pilipinas, Group D, italy, Nikola Jokic, Serbia, tanggal na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.