Magulang ng menor de edad na lumabag sa curfew sa Maynila makukulong at may multa

By Len Montaño September 02, 2019 - 10:17 PM

Kulong at multa ang kinakaharap ng mga magulang ng menor de edad na lalabag sa curfew sa Maynila.

Inilatag sa Ordinance No. 8243 ng lungsod ang parusa sa mga magulang na pabaya sa mga anak nilang menor de edad.

Para sa mahuhuli na lumabag sa curfew na edad 12 anyos at pababa, P5,000 ang multa ng magulang at may kulong na hanggang 6 buwan.

Para sa edad 13 anyos hanggang 14 anyos, nasa P3,000 ang penalty ng magulang at hanggang 3 buwan na pagkakulong.

Habang ang lalabag sa curfew na edad 15 anyos hanggang 17 anyos, P2,000 ang multa ng magulang at hanggang 1 buwan ang kulong.

Ang naturang penalty ay alinsunod na rin sa Ordinance No. 8547 na unang inilabas ng Manila City Government kung saan nakasaad na epektibo araw ng Lunes, September 2, 2019, mahigpit na ipapatupad ang curfew para sa mga kabataan mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.

Inilabas ni Mayor Isko Moreno at city council ng lungsod ang mga ordinansa kasunod ng nahuling 22 mga kabataan na nagso-solvent at sangkot sa riot sa Delpan, Tondo sa gitna ng pag-iikot ng alkalde Linggo ng gabi.

Inutusan din ni Mayor Isko ang Manila Police District (MPD) na hanapin ang pinagkukunan ng mga bata ng rugby at iba pang solvent-based products.

 

 

 

TAGS: curfew, kulong, manila, Mayor Isko Moreno, menor de edad, MPD, multa, pabayang magulang, rugby, solvent, curfew, kulong, manila, Mayor Isko Moreno, menor de edad, MPD, multa, pabayang magulang, rugby, solvent

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.