Pamamahala sa Pasig River Rehabilitation Commission, inilipat na sa DENR

By Chona Yu September 02, 2019 - 08:15 PM

Inilapat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pamamahala o chairmanship ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Base sa Executive order no. 90 na nilagdaan ni Pangulong Duterte, binabaliktad nito ang EO no. 54 na pinirmahan noong 1999.

Sa bagong kautusan ng pangulo, magiging chairman ang kalihim ng DENR ng PRRC habang magiging co-chairman naman ng PRRC ang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Magsisilbing miyembro ng komisyon ang mga kalihim o kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), DBM, Department of Tourism (DOT), Department of Transportation (DOTr), Department of Finance (DOF), Department of Trade and Industry (DTI), Department of National Defense (DND), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Human Settlements and Urban Development, Office of the Executive Secretary at tatlong kinatawan mula sa pribadong sector na itatalaga ng pangulo.

Iniuutos din ng batas ang mahigpit na pag-uugnayan at pagbabantay ng mga ahensyang naatasang mangasiwa sa rehabilitasyon ng Pasig River at iba pang major waterways sa Metro Manila upang matiyak na maiwasan ang polusyon.

Pinagagamit naman sa DENR ang lahat ng paraan at available technologies o kagamitan upang maibalik sa dati nitong ganda at kalinisan ang Pasig River.

TAGS: DENR, Pasig River Rehabilitation Commission, Rodrigo Duterte, DENR, Pasig River Rehabilitation Commission, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.