Mass execution na isinagawa ng Saudi Arabia, kinundina ng US

By Isa Avendaño-Umali January 03, 2016 - 01:25 PM

white-house1Mariing kinundina ng Estados Unidos ng Amerika ang Middle Eastern ally nito na Saudi Arabia dahil sa execution sa apatnapu’t pitong indibidwal, kabilang na ang isang prominenteng Shiite cleric na si Al Nimr.

Sa statement ng White House, nagbabala ito na ang executions ay maaaring magpalala ng tensyon sa pagitan ng Sunni at Shia religious factions sa Saudi Arabia.

Nanawagan ang Estados Unidos sa lahat ng Middle Eastern heads na doblehin ang mga hakbang nito upang pahupain ang tensyon.

Umapela rin ang U.S. sa gobyerno ng Saudi Arabia na irespeto at protektahan ang human rights, at tiyakin ang makatarungan at transparent na judicial proceedings sa lahat ng mga kaso.

Ang pagbitay sa apatnapu’t pitong katao, na kinabibilangan ng mga al Queda members, ay signal daw ng Saudi Arabia laban sa anumang uri ng terrorist activities.

Gayunman, hindi ito nagustuhan ng ilang grupo gaya na lamang ng mga Iranian protesters na umatake sa Saudi Arabian Embassy sa Tehran.

 

TAGS: US, White House, US, White House

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.