Kaso ng Leptospirosis bahagyang bumaba ayon sa DOH

By Angellic Jordan September 02, 2019 - 04:20 PM

Inquirer file photo

Bumaba ang bilang ng naitalang kaso ng sakit na Leptospirosis sa bansa ngayong taong 2019, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa tala ng kagawaran, umabot sa kabuuang 1,181 ang kaso ng nasabing sakit mula January 1 hanggang August 17, 2019.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 2,229 na kaso sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

Gayunman, sa isang panayam, inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi dapat maging kampante.

Dapat pa rin aniyang maging maingat ang publiko laban sa nasabing sakit.

TAGS: doh, duque, Leptospirosis, doh, duque, Leptospirosis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.