Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Philippine Information Agency chief Harold Clavite.
Ayon kay Medialdea, nagsumite si Clavite ng irrevocable resignation kay Pangulong Duterte dahil sa personal reasons noong July 17.
Nakasaad aniya sa liham ni Clavite na matapos ang tatlong taong paninilbihan sa gobyerno nais na niyang magkaroon ng oras sa kanyang pamilya.
Pero sa Facebook post ni Clavite, sinabi nitong hindi siya nagsumite ng resignation letter sa pangulo.
Ang PIA ay nasa ilalim ng pangangasiwa ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.
Matatandaang inimbestigahan kamakailan ng PCOO si Clavite dahil sa alegasyon na nasangkot ito sa korupsyon bagay na pinabubulaanan ng dating PIA chief.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.