Precautionary ban sa ‘hoverboards’ hinimok ng grupong EcoWaste

By Isa Avendaño-Umali January 03, 2016 - 11:14 AM

hoverboardHinimok ng environmental watchdog group na Ecowaste Coalition ang gobyerno na magpataw na ng precautionary ban sa importasyon, pagbebenta at paggamit ng ‘hoverboards’ hangga’t hindi natutugunan ang safety issues ukol dito.

Ayon kay Thony Dizon, coordinator ng Ecowaste Coalition Project Protect, ikinalugod nila ang pagbuo ng panel ng Department of Trade and Industry at Department of Health para imbestigahan ang mga isyu laban sa self-balancing at two-wheel scooters na hoverboards.

Mainam din aniya nag abiso ang dalawang ahensya sa publiko laban sa pagbili ng hoverboards para sa mga batang labing apat na taong gulang pababa, sa gitna ng napaulat na health at safety issues gaya ng pagkasunog o pagsabog.

Pero giit ni Dizon, dapat na maresolba ang mga naturang concern sa lalong madaling panahon lalo’t kapansin-pansin na maraming tumatangkilik sa hoverboards kahit na may kamahalan ang presyo.

Nabibili ang hoverboards sa formal at informal retail outlets, maging sa online shopping sites sa halagang P7,500 hanggang P75,000.

Nauna nang na-ban ang hoverboards sa Europe at Estados Unidos dahil sa napaulat na pagkasunog at fall incidents.

 

TAGS: Ecowaste coalition, hoverboards, Ecowaste coalition, hoverboards

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.