Batikos ni CPP founding chairman Sison sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa China, binalewala lang ng Malakanyang

By Chona Yu September 02, 2019 - 01:13 PM

File Photo

Wala nang balak ang Palasyo ng Malakanyang na patulan ang mga batikos ni Communist party of the Philippines (CPP) founding chairman jose maria sison sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, produkto lamang ng ilusyon ang mga banat ni Sison.

Sa pahayag kasi ni Sison sinabi nitong yumuko na naman si Pangulong Duterte sa imperyalistang China at isinuko na

kay Chinese president Xi Jinping ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea dahil sa joint exploration deal na pinasok ng dalawang bansa.

Pero ayon kay Panelo, mas makabubuting ituon na lamang ng pamahalaan na gampanan ang constitutional duty ng administrasyon na paglingkuran at protektahan ang mga Filipino sa halip na pag aksayahan ng oras si Sison.

Una nang inihayag ng Palasyo ng Malakanyang na matagumpay at naging mabunga ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa China kung saan anim na kasunduan ang nalagdaan bukod pa sa aniya’y magandang kinalabasan ng pag-uusap sa joint exploration, Code of Conduct habang hindi pa rin aniya isusuko ng bansa ang pagkakapanalo nito sa arbitral court.

TAGS: arbitral court, China, Chinese President Xi Jinping, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, arbitral court, China, Chinese President Xi Jinping, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.