Abogado nakaligtas sa pananambang sa labas ng Cebu City hall of Justice

By Jimmy Tamayo September 02, 2019 - 10:46 AM

Nakaligtas ang isang abogado makaraang pagbabarilin sa labas ng Cebu City Hall of Justice umaga ng Lunes (September 2).

Nangyari ang pananambang kay Atty. Inocencio dela Cerna sa Qimonda IT Center na nasa North Reclamation Area dakong 9:00 ng umaga.

Nabatid na kagagaling lamang ni dela Cerna sa isang pagdinig nang pagbabarilin ang kanyang sasakyan.

Nakuha pa ng abogado na magmaneho at magtungo sa Waterfront Police Station.

TAGS: Atty. Inocencio dela Cerna, Cebu City Hall of Justice, Pananambang, Qimonda IT Center, Waterfront Police Station, Atty. Inocencio dela Cerna, Cebu City Hall of Justice, Pananambang, Qimonda IT Center, Waterfront Police Station

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.