Dagdag benepisyo sa solo parents itinutulak ni Sen. Bong Revilla

By Jan Escosio September 02, 2019 - 09:17 AM

Nais ni Senator Ramon Revilla Jr., na madagdagan ang mga benepisyo at pribilehiyo ng mga solo parents sa bansa.

Partikular na binanggit ng senador ang pagbibigay 20 porsiyentong diskwento sa mga gatas ng sanggol, diaper, gamot, bakuna, gamit pang eskwela at iba pang pangangailangan.

Sa inihain ni Revilla na Senate Bill No 951 nais nitong maamyendahan ang Solo Parents Welfare Act of 2000.

Naniniwala ang senador na mapapakinabangan ng higit 15 milyon solo parents lalo na mga babae ang kanyang panukala.

Maari din mabigyan ng 20 porsiyentong diskwento ang mga solo parents sa kanilang medical consultation at laboratory fees.

Katulad na diskwento rin ang ibibigay sa tuition ng kanilang mga anak mula pre-school hanggang college.

Gusto rin ni Revilla na mabigyan ng karagdagang pitong araw na leave with pay credit kada taon ang mga mga magulang na mag isang nagtataguyod ng pamilya.

TAGS: Dagdag benepisyo, sen bong revilla, solo parents, Dagdag benepisyo, sen bong revilla, solo parents

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.