Pagpapalibing sa mga nasawi sa plane crash sa Laguna sasagutin ng Lion Air

By Dona Dominguez-Cargullo September 02, 2019 - 08:18 AM

Tiniyal ng kumpanyang Lion Air, ang kumpanyang nagmamay-ari sa medevac plane na bumagsak sa Calamba City, Laguna na sasagutin nito ang pagpapalibing sa siyam na nasawi sa plane crash.

Ayon kay Atty. Lester Ople abogado ng Lion Air, sasagutain ng kumpanya ang funeral expenses ng mga nasawi maging ang pagpapagamot ng mga nasugatan.

Sa ngayon nakatutok aniya ang kumpanya sa proseso ng paghahatid sa mga biktima sa kanilang mga mahal sa buhay.

Tiniyak naman ni Ople na makikipagtulungan ang kumpanya sa mga otoridad sa imbestigassyon sa nangyaring pagbagsak ng eroplano.

Ang dalawang nasugatang caretaker ng resort kung saan bumagsak ang eroplano ay kapwa nasa ligtas naman nang kalagayan sa Calamba Doctors’ Hospital.

TAGS: air ambulance, Calamba City Laguna, medevac plane, pansol, plane crash, air ambulance, Calamba City Laguna, medevac plane, pansol, plane crash

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.