Bucor chief Faeldon, pinasisibak ni Rep. Brozas dahil sa tangkang pagpapalaya kay Sanchez

Hindi katanggap-tanggap ang pagpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon sa release order ng convicted rapist at murderer na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Kaya naman giit ni Gabriela PL Rep. Arlene Brosas, panagutin at sibakin na si Faeldon dahil bilang pinuno ng BuCor ay dapat anyang alam nito na hindi kwalipikado si Sanchez sa good conduct time allowance.

Sabi ni Brosas, ang ginawa ni Faeldon ay malaking sampal sa pamilya nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Ayon sa kongresista, nakalimutan yata ni Faeldon na alam ng publiko ang masamang reputasyon nito noong pinamumunuan ng Bureau of Customs.

Kung dati anya ay droga lang ang pinalulusot nito, ngayon naman ay pati mga rapist at mamamatay-tao.

Ngayong araw ay nakatakda ring maghain ng resolusyon ang grupong Gabriela para paimbestigahan ang implementasyon ng Republic Act no. 10592.

Read more...