Panununog ng effigy ni Miss Universe Pia Wurztbach, bahagi ng tradisyon. Nanunog, nag-sorry!
Nag-sorry na ang isang Colombian na nagsunog ng isang effigy ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurztbach.
Ang lalaki na nakilalang si Noider Almanza Barraza ang humingi ng paumanhin sa mga Pilipino na nasaktan sa kanyang ginawang panununog ng effigy ni Pia, na ang video ay kumalat sa social media.
Sinisi naman ni Barraza ang isang tradisyon daw sa kanilang bansa kaya niya nagawa ang panununog ng effigy ng Miss Universe.
Ang naturang tradisyon ng Colombia ay pagsunog sa mga doll o manika na may karakter o bagay na nagdudulot ng kontrobersiya sa nakalipas na taon upang makapagsimula ng bagong taon.
“At no time (was my intention) to hurt or offend (the people of the Philippines. I am very sad … I apologize,” ani Barraza.
Nabatid na tinanggal na rin ang video ni Barraza matapos umani ng galit at puna mula sa mga netizen.
Matatandaang ikinagalit ng mga Colombian ang pagbawi ng Miss Universe 2015 crown sa kanilang pambato na si Ariadna Gutierrez, matapos ang ‘blunder’ o pagkakamali ng anusyo ng host na si Steve Harvey dahil ang totoong nanalo ay ang Miss Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.