Jumanji actor Kevin Hart nagtamo ng major back injury matapos maaksidente sa California

Sugatan ang actor / comedian na si Kevin Hart makaraang maaksidente ang sasakyan sa Malibu, California.

Ang sasakyan ay minamaneho ng isang Jared Black nang ito ay bumaligtad.

Na-trap pa sa loob ng sasakyan si Hart at ang isa pang sakay na nakilalang si Rebecca Broxterman.

Kapwa nagtamo ng major back injuries sina Hart at Black at agad isinugod sa ospital.

Ang kotse ni Hart na Plymouth Barracuda ay binili niya noong Hulyo bilang regalo sa sarili para sa kaniyangika – 40 kaarawan.

Read more...