Lalaki arestado dahil sa droga sa Quezon City

Timbog ang isang 29-anyos na lalaki matapos makuhaan ng iligal na droga sa sariling bahay sa Brgy. San Antonio, Quezon City.

Nakilala ang suspek sa alyas na ‘Mata’ na isinumbong sa Masambong police dahil sa paggamit nito ng iligal na droga sa loob mismo ng kanyang bahay.

Agad tumungo ang mga pulis sa bahay ng suspek at tyempong naaktuhan ito na may hawak na mga iligal na droga.

Nakuha mula sa supek ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Sasampahan ito ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...