Bagyong Liwayway lumakas pa; western section ng Luzon apektado ng Habagat

By Dona Dominguez-Cargullo September 02, 2019 - 05:26 AM

Lumakas pa ang tropical depression Liwayway na huling namataan ng sa layong 450 kilometers East ng Daet, Camarines Norte o 325 East Northeast ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong North Northwest.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, ang bagyong Liwayway ay maghahatid ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Visayas, Northern Mindanao at Caraga.

Habang dahil naman sa Habagat, mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan din ang mararanasan sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan.

Hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo at lalabas ito ng bansa sa September 7.

Pero sa susunod na 24 na oras ay lalakas pa ito at magiging ganap na tropical storm.

TAGS: liwayway, Tropical storm, weather, liwayway, Tropical storm, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.