Mayor Isko Moreno balik-trabaho na matapos ang 5 araw na bakasyon

By Rhommel Balasbas September 02, 2019 - 05:07 AM

Balik-trabaho na si Manila Mayor Isko Moreno matapos ang limang araw na bakasyon.

Ilang oras lang makaraang makabalik ng Maynila, nag-ikot ang alkalde sa lungsod.

Sa paligid ng Manila City Hall, ilang jeepney drayber ang pinaalalahanang sumunod sa traffic rules matapos makagawa ng mga paglabag.

Pinaliwanagan ang mga tsuper sa kahalagahan ng pagsunod sa loading at unloading zones.

Inutusan din ni Moreno ang mga commuter na maghintay sa mga tamang sakayan.

Samantala, surpresa ring ininspeksyon ni Moreno ang bahagi ng Delpan, Tondo.

Dito nasagip ang 20 menor de edad na ang iba ay natyempuhang nagsosolvent at umiinom ng alak.

Dismayado ang alkalde sa paglipa ng mga kabataan kahit disoras na ng gabi.

Dahil dito, ipinag-utos ni Moreno ang mas istriktong pagpapatupad sa curfew.

Ipatatawag ang mga pulis ngayong umaga para pag-usapan ang curfew hours na nagsisimula alas-10:00 ng gabi.

TAGS: Manila Mayor Isko Moreno, sagip batang hamog, surprise inspection, Manila Mayor Isko Moreno, sagip batang hamog, surprise inspection

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.