WATCH: Teaser ng dog movie ni Sarah G. na ‘Unforgettable’ inilabas na

Screengrab from teaser

Usap-usapan ngayon sa social media ang teaser ng dog movie ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Sa teaser na inilabas ng VIVA Films mapapanood ang special appearance ni Regine Velasquez.

Pinasilip na rin si “Happy”, ang karakter ng sikat na aso sa social media na si Milo.

Naglalakbay si Happy at ang karakter ni Geronimo patungong Baguio City para mabisita ang may sakit niyang lola.

Sa ngayon, halos 500,000 na ang views ng teaser sa Facebook at number 40 naman ito sa trending videos sa Youtube.

Ang ‘Unforgettable’ ay ang unang pelikula ni Geronimo matapos ang blockbuster film niyang Miss Granny noong 2018.

Hindi naman binanggit sa teaser ang playdate ng pelikula.

Read more...