Operasyon ng tren patungo sa Hong Kong airport, sinuspinde dahil sa kilos-protesta
By Angellic Jordan September 01, 2019 - 07:54 PM
Sinuspinde ang operasyon ng tren patungo sa Hong Kong International Airport, araw ng Linggo (September 1).
Ayon sa MTR Corporation, ito ay kasunod ng marahas na engkwentro sa pagitan ng mga pulis at daan-daang raliyista sa kilos-protesta sa lugar.
Tuloy naman anila ang operasyon ng mga tren mula sa nasabing paliparan patungong Chek Lap Kok island.
Naglabas na rin ang pulisya ng babala sa mga raliyista na lumalabag sa court injunction.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.