LOOK: Mga SK official mula sa higit 800 barangay sa Maynila, nagtulung-tulong sa ikinasang cleanup drive

By Angellic Jordan September 01, 2019 - 03:31 PM

Nagtulung-tulong ang mahigit 800 barangay para sa ikinasang clean-up campaign sa Lungsod ng Maynila, araw ng Linggo (September 1, 2019).

Sa larawan mula sa Manila Public Information Office (PIO), makikita ang pagwawalis, pagtatapon nang maayos ng mga basura at pagbobomba ng tubig sa mga kalsada ng ilang opisyal ng Sangguniang Kabataan.

Pinangunahan ng mga opisyal ng SK mula sa kabuuang 896 na barangay ang paglilinis sa kani-kanilang lugar.

Ayon kay Alex Layos, hepe ng Manila Youth Bureau, ito ang nakikita nilang magandang paraan para simulan ang ‘ber’ months.

Maliban sa mga SK official, nakiisa rin ang ilang kabataan sa aktibidad.

TAGS: cleanup drive, Manila Youth Bureau, sangguniang kabataan, cleanup drive, Manila Youth Bureau, sangguniang kabataan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.