Gilas Pilipinas, dapat pa ring purihin – Malakanyang
Bagamat talo, dapat pa ring saluduhan at papurihan ang Gilas Pilipinas matapos ang ginawang paglampaso ng Italy sa opening game sa FIBA World Cup 2019 na ginanap sa China, Sabado ng gabi (August 30).
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nagpakita pa rin kasi ang mga Filipino basketball player ng grit at passion para sa bansa.
Kuminang pa rin aniya ang koponan kahit na talo.
Simula pa lang naman aniya ng laban ng Gilas Pilipinas at may kasunod pa na laro kontra sa Serbia at Angola.
Nilampaso ng Italy ang Gilas Pilipinas sa iskor na 62-108.
Personal na pinanood nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher “Bong” Go ang laban ng Gilas Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.