BuCor chief Faeldon, hindi makadadalo sa pagdinig ng Senado ukol sa isyu ng paglaya ni dating Mayor Sanchez

By Ricky Brozas September 01, 2019 - 03:32 PM

Hindi makadadalo si Bureau of Corrections Chief Nicanor Faeldon sa pagdinig ng Senado, araw ng Lunes (September 2).

Ito ay dahil sa sinasabing pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prison.

May nakatakda kasi umanong daluhan na seminar si Faeldon sa Canadian Embassy.

Una nang nagpadala ng subpoena ang Senate Blue Ribbon committee kay Faeldon para maobliga siyang dumalo sa naturang pagdinig.

Kinumpirma rin ni Senate President Vicente Sotto III na lumagda siya, araw ng Sabado, ng subpoena na nag-aatas kay Faeldon na humarap sa imbestigasyon ng Senado.

TAGS: Antonio Sanchez, canadian embassy, new bilibid prison, Nicanor Faeldon, Senado, Antonio Sanchez, canadian embassy, new bilibid prison, Nicanor Faeldon, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.