Pope Francis, nanawagan ng pagtigil sa ‘arrogance of power’

January 03, 2016 - 09:32 AM

Aug 6 pope inq fileNgayong 2016, nananawagan si Pope Francis na tuldukan na ang ‘arrogance of the powerful’ at ‘false neutrality’ sa mga kaguluhan, kagutuman at persecution na nagdudulot ng exodus sa refugees sa buong mundo.

Sa kanyang New Year’s message na kanyang inihayag sa harap ng libu-libong mananampalataya na nagtungo sa St. Peter’s Square, iginiit ng Santo Papa na pangangailangan na mag-reborn at malagpasan ang mga pagkakaiba na balakid sa solidarity o pagkakaisa.

Sinabi pa ni Pope Francis na sa pagsisimula ng 2016, mainam na magpalitan ng wishes, at i-renew ang ‘desire’ na naghihintay sa lahat na mas mabuti kaysa noong nakalipas na taon.

Inamin naman ng Pontiff na sa harap ng bagong taon, hindi magbabago ang lahat at marami sa mga problema ay mananatili pa rin.

Pero, ang kanya umanong wish ay mula sa ‘real hope.’

Hinimok din ni Pope Francis ang mga national government na suportahan ang refugees at migrants mula sa Africa, Asia at Middle East.

 

TAGS: pope francis, pope francis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.