Pagpalag ni Te ukol sa GCTA, sinopla ng Malakanyang

By Chona Yu September 01, 2019 - 02:17 PM

Sinopla ng Palasyo ng Malakanyang ang pahayag ni dating Supreme Court spokesman Theodore Te na labag sa Article 3, Section 22 ng 1987 Constitution kung pababalikin pa ng bilangguan ang halos 2,000 preso na nakalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance.

Iginiit pa ni Te na sa ilalim ng Article 99 ng Revised Penal Code, hindi maaring ma-revoke ang GCTA.

Pero sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na walang violation kung ibabalik ng kulungan ang mga bilanggo.

Nakasaad naman aniya Republic act 10592 o GCTA na may kaakibat itong kondisyon.

Kung hindi aniya nag-qualify ang mga bilanggo sa kondisyon na isinasaad sa GCTA, maari naman silang maibalik ng kulungan.

Sa ngayon, nasa pagpapasya na aniya ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapasya kung ipaaarestong muli ang mga nakalayang bilanggo o kung anong hakbang ang dapat na gawin.

Una rito, sinabi ni Panelo na maaring iparestong muli ang mga nakalayang bilanggo kung makikitang hindi sila kwalipikado sa GCTA bagay na pinalagan na Te dahil labag daw ito sa batas. (END/CY)

TAGS: Good Conduct Time Allowance, Palasyo ng Malakanyang, Salvador Panelo, Theodore Te, Good Conduct Time Allowance, Palasyo ng Malakanyang, Salvador Panelo, Theodore Te

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.