Patay ang isang bagong halal na Mexican mayor, wala pang 24- oras mula nang mag-oath taking siya para sa puwesto.
Kinilala ang biktima na si Gisela Mota, 33 years old, nanalong alkalde ng Temixco City, na 90 kilometers mula sa Mexico City.
Batay sa ulat, isang grupo ng mga kalalakihan ang umatake sa bahay ni Mota at pinagbabaril siya na ikinamatay nito.
Nauna nang ipinangako ni Mota na susugpuin niya ang matitinding problema sa Temixco, gaya ng organized crime at malawakang drug trafficking.
Ayon naman kay Graco Ramirez, gobernador ng central state ng Morelos, ang mga suspected gunmen ay naaresto na matapos ang pamamaslang, at iginiit na walang impunity na mangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.