Pangulong Duterte buo pa rin ang tiwala kay Faeldon
Buo pa rin ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon.
Ito ay kahit na kaliwa’t-kanan na ang panawagan ng ilang senador kay Pangulong Duterte na sibakin si Faeldon o balasahin ang mga opisyal ng BuCor matapos ang kontrobersyal na muntik nang paglaya ni convicted rapist at murderer Antonio Sanchez at paglaya ng apat na convicted drug lord.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinabi nito na hangga’t hindi nagsasalita si Pangulong Duterte, ang presumption ay buo pa ang tiwala nito at kumpiyansa kay Faeldon.
Sa ngayon, nasa diskarte na aniya ni Pangulong Duterte kung ano ang magiging kapalaran ni Faeldon.
Matatandaang sa ilalim ng pamumuno noon ni Faeldon sa Bureau of Customs (BOC), nakalusot ang P6.4 bilyong halaga ng shabu shipment.
Ngayon naman na nasa BuCor na si Faledon, muntik nang makalaya si Sanchez, habang tuluyan nang nakalaya ang halos dalawang libong bilanggo na may karumal dumal na kaso kabilang na ang apat na convicted Chinese drug lord.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.