Drilling works para sa pundasyon ng LRT-1 Cavite Extension inumpisahan na

By Dona Dominguez-Cargullo September 01, 2019 - 12:38 PM

Sinimulan na nag paghuhukay at drilling works para sa pundasyon ng LRT-1 Cavite Extension sa bahagi ng Dr. Santos Avenue sa Parañaque City.

Ipinuwesto na ang bored piles na aabot sa 2.50 meters ang diameter, na magsisilbing haligi sa itinatayong rail extension.

Mula nang simulan ang construction works ng 11.7-kilometer railway extension noong Mayo, nakumpleto na ang geotechnical investigation para sa viaduct at unang limang istasyon ng extension line mula Redemptorist Station hanggang Dr. Santos Station. Tuluy-tuloy rin ang konstruksyon ng precast yard at project office.

Sa sandaling makumpleto ang extension line, magiging 25 minuto na na lang ang biyahe mula Baclaran hanggang Bacoor, Cavite mula sa kasalukuyang isang oras at 10 minuto.

TAGS: cavite, dotr, lrt 1 extension, railway system, railways, cavite, dotr, lrt 1 extension, railway system, railways

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.