Bagyong Kabayan nasa labas na ng bansa; LPA sa Mindanao naging bagyo na at pinangalanang Liwayway

Lalakas pa ang bagyong Kabayan at magiging isang ganap na tropical storm habang tuluyang palayo ng bansa.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 390 kilometers West Northwest ng Laoag City, Ilocos Norte.

Nasa labas na ng bansa ang bagyo at patungo na ng southern China.

Samantala, ang isa pang LPA na binabantayan ng PAGASA ay isa nang ganap na bagyo.

Pinangalanang Liwayway ang bagyo na nasa tropical depression category.

Huling namataan ang bagyong Liwayway sa layong 405 kilometers East Northeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur o sa 510 kilometers East ng Maasin City, Southern Leyte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.

Ayon sa PAGASA ang bagyong Liwayway ay maghahatid ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulang sa Caraga at Davao Region ngayong araw.

Read more...