IRR sa GCTA nakitaan ng pagkakamali ng isang opisyal ng DOJ
Mahigit 10,000 mga nasintensiyahan sa kasong heinous crime o karumal-dumal na krimen ang mapapalaya na dahil sa pagkakamali ng iba.
Ito ang sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete kaugnay sa implementing rules and regulations o IRR ng batas sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.
Ayon kay Perete, mistulang may pagkakamaki sa IRR ng GCTA dahil maging ang mga sangkot sa heinous crimes ay maaring mapalaya sa bilangguan.
Iyan ay lalo’t batay aniya sa desisyon ng Supreme Court paiiralin ang “retroactive “ sa pagpapatupad ng GCTA simula nang maging ganap na bata ito soong 2013.
Gayunman, tumanggi si Perete na tukuyin ang partkular na bahagi ng IRR ng GCTA ang may pagkakamali.
Batay sa computation ng time allowance credits ay kabuuang 1,914 heinous crime convicts na ang napalaya sa piitan.
Ang tanging magagawa na lamang aniya ngayon ng DOJ ay rebyuhin ang kaso ng mga napalaya nang mga kriminal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.