LPA sa Calayan, Cagayan naging ganap na bagyo, pero agad ding lumabas ng bansa – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo September 01, 2019 - 07:42 AM

Nabuo na bilang isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na nasa kanluran ng Calayan, Cagayan.

Pinangalanan itong Kabayan ng PAGASA na pang-labingisang bagyo sa bansa ngayong taon.

Huling namataan ang bagyong Kabayan sa layong 2310 kilometers west ng Calayan, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Inaasahang lalabas din agad ng bansa ang bagyong Kabayan ngayong umaga.

Ayon sa PAGASA ang habagat ang maghahatid ng pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas.

Samantala, ang isa pang LPA na nasa bahagi naman ng Surigao del Sur ay maari ding maging isang ganap na bagyo.

TAGS: Cagayan, calayan, Kabayan, low pressure area, Pagasa, weather, Cagayan, calayan, Kabayan, low pressure area, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.