149 na lulan ng ro-ro vessel sinagip matapos itong tumagilid sa karagatan ng Cebu Port

By Noel Talacay September 01, 2019 - 05:06 AM

Umabot ng 149 passenger ang sinagip ng Philippine Coast Guard (PCG) Central Visayas matapos tumagilid ang MV Mika Mari 8 sa pantalan ng Consuelo sa bayan ng San Fransisco ng Camotes Islands, Cebu.

Ayon sa taga pagsalita ng PCG Central Visayas na si Lt. JG Michael John Encina nangyari ang nasabing insidente, Sabado ng hapon, Aug. 31.

Aniya dumating ang MV Mika Mari 8 sa Camotes port pasado alas-2:00, Sabado ng hapon galing Danao Cebu City.

Sa ulat ng PCG Central Visayas, nawalang ng balance ang nasabing sasakyang pandagat habang inaalis ang mga karga nito at bumbaba ang mga sakay nito, dahilan para lumubog sa dagat ang ang kalahati ng MV Mika Mari 8.

Dagadag pa niya kasalukuyang maganda ang lagay ng panahon.

Dinala naman ang apat na pasahero nito sa malapit na ospital dahil sa mga minor injury na kanilang na tamo.

Maliban sa mga pasehero, lulan ng MV Mika Mari 8 ang 11 rolling cargoes at mayroon itong 18 crew members.

Agad naman pumunta sa Consuelo port t ang PCG vessel BRP Suluan at ang environmental protection teams para tingnan at mag gawa ng imbestigasyon kaugnay sa insidente.

TAGS: cebu, MV Mika Mari 8, Philippine Coast Guard (PCG) Central Visayas, San Fransisco ng Camotes Islands, cebu, MV Mika Mari 8, Philippine Coast Guard (PCG) Central Visayas, San Fransisco ng Camotes Islands

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.