Higit sa P700 million ang kinita ng 8 MMFF entries
Pumalo na sa 737 million pesos ang gross earnings ng walong entries ng 41st Metro Manila Film Festival o MMFF.
Tinalo nito ang record ng MMFF noong nakalipas na taon ng P36 million.
Sa anunsyo sa kanilang Facebook account, sinabi rin ng MMFF executive committee ang ‘top 4’ earners, mula December 25, 2015 hanggang January 01, 2016.
Ang mga pelikulang ito (in no particular order): “My Bebe Love,” “Beauty and the Bestie,” “Haunted Mansion,” at “Walang Forever.”
Ang iba pang entries sa 41st MMFF ay ang ‘Buy Now, Die Later, “All You Need is Pag-Ibig,” “Nilalang” at “Honor Thy Father.”
Inaasahan namang isasapubliko ng MMFF executive committee ang eksaktong box office numbers sa bawat film entries sa January 06, 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.