Pelikulang “Dagsin” hindi pa tiyak kung kasama ito sa 2020 Oscar Awards ayon sa FAP

By Noel Talacay September 01, 2019 - 04:26 AM

Pelikulang “Dagsin” hindi pa tiyak kung kasama ito sa 2020 Oscar Awards ayon sa FAP

Nilinaw ng Film Academy of the Philippines (FAP) na hindi pa pormal na napipili ang pelikulang “Dagsin” (Gravity) para sa 92nd Academy Awards o Oscars 2020.

Ayon aky FAP Director General Leo Martinez, hindi pa tiyak na pasok ang nasabing pelikula sa shortlist ng International Film Feature Category ng prestihiyosong academy awards bilang pambato ng Pilipinas.

Sinabi rin nito na pagkatapos pa ng October 1 ihahayag kung anong pelikula ang magiging pambato ng Pilipinas sa 2020 Oscar Awards.

Ang pelikulang dagsing ay pinagbibidahan ng mga batikang aktor na sina Tommy Abuel at Marita Zobel, kung saan ang istorya nito ay tunkol sa nawalan ng pananalig sa diyos ng isang beterano ng World War 2.

Noong 2016, ipinalabas ang naturang pelikula sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Samantala, sa February 9, 2020 gaganapin ang 92nd Academy Awards sa Dolby Theater Hollywood, Los Angeles, California.

 

TAGS: 2020 Oscar Awards, Dagsin, FAP Director General Leo Martinez, Film Academy of the Philippines (FAP), 2020 Oscar Awards, Dagsin, FAP Director General Leo Martinez, Film Academy of the Philippines (FAP)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.